Pinoy Haiku: Tanaga, Dalit at Diona

Hindi na bago sa pandinig nating mga pinoy ang mga istilong panitikan tulad ng “Haiku” at mga Soneto, ngunit sa oras na itanong mo kung pamilyar ba ba sila sa Tanaga, Dalit at Diona, ang mga sagot na posible mong makuha ay, Ha? Ano yun?.

Bago pa man nagsidatingan ang mga mananakop na Espanyol, matagal ng may mahusay na anyong panitikan ang mga ninunong Pilipino. Ito ay inilalarawan bilang may mataas na antas ng kalidad na nagpasalin-salin sa mga henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang istilo.

Natural na makata ang mga Pilipino, ngunit dahil sa pwersang nag-impluwensya tulad ng pagkontrol ng mga Espanyol at dantaong pananakop ng iba pang kolonyang bansa, tila nabaon sa limot ang mga istilong sariling atin.

Tulad ng Haiku, isang anyong panitikan mula pa sa kulturang Hapon, na binubuo ng mga limitadong sukat ay nagpapakita at mayroong temang sumasaklaw sa kalikasan, karanasan, pamilya at iba pa. Ang pinaka-popular na anyo ng Haiku ay binubuo ng tatlong maiikling taludtod. Ang unang taludtod ay karaniwang mayroong limang pantig, ang ikalawang taludtod ay may pipituhing pantig at ang huling taludtod ay may limang pantig muli.

Halimbawa (www.everypoet.net)

grim water tumbles
messy wintertimes grin, clowns
recede, moons reproach

dragonflies erupt
families blushing cinder
mellowing cowgirls

legless rude snowy
ploughshare vanishes wetly
sadly, snowing eel

unchained ape darkens
pig yearns, wet dried wasps regret
hoarsely, intense pink

scornful door despairs
clean canoes rusting, grimly
riding, eccentric

Tulad ng bansang Hapon, nakalikha rin ang mga katutubong Pilipino ng mga anyong pampanitikan tulad ng Haiku, ilan sa mga ito ay ang Tanaga, Dalit at Diona.

TANAGA: Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

Halimbawa:

Sa gubat na madawag
Tala’y mababanaag.
Iyon ang tanging hangad,
Buhay ma’y igagawad.
-Bannie Pearl Mas


Tumayo ka nang tuwid,
Ang kamay ay sa dibdib.
Awitin ating himig
Nang totoo sa tinig.
-Romualdo Verzosa Jr.

Noong malayo ako,
Nasa kabilang dako,
Itong puso’t isip ko,
Bayan, para lang sa ‘yo.
-Rachel Muyano

DALIT: Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Halimbawa:

Nag-aral siyang pilit
Nang karangala’y makamit.
Buong buhay s’yang nagtiis.
Makapagtapos ang nais.

Ang pera niya’y tinipid,
Sa guro ay di sumipsip.
Markang mataas, nakamit:
Tagumpay nga ang kapalit.
-Zoren Mercurio

DIONA: Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Halimbawa:

Ang payong ko’y si inay
Kapote ko si itay
Sa maulan kong buhay
-Raymond Pambit

Aanhin ang yamang Saudi,
O yen ng Japayuki
Kung wala ka sa tabi
-Fernando Gonzales

Kung ang aso hinahanap
Pag nagtampo’t naglayas
Ikaw pa kaya anak.
– Ferdinand Bajado

Lolo, huwag malulungkot
Ngayong uugod-ugod
Ako po’y inyong tungkod
– Gregorio Rodillo

Ilan lamang ito sa mga katutubong panitikan nating mga Pinoy na kinakailangang bigyang pansin upang hindi tuluyang mabaon sa limot. Kailangang maipamulat ito sa kamalayan nating mga Pilipino upang magkaroon ng kaalaman at yumabong ang kulturang Pilipino. Kung tutuusin, mas pabor ang anyong panitikang ito sa kahit sinong Pilipino, hindi kailangang magkaroon ka ng kasanayang akademiko upang makalikha ng mga tulang ito. Kahit anong tema ay maaring uminog sa mga linya, nararamdam, kapaligiran, pamilya, kaibigan at kung ano-ano pa.

23 responses to “Pinoy Haiku: Tanaga, Dalit at Diona

  1. wow. may haiku rin pala tayo!

  2. sana ay bigyan pansin parin ang panitikang pilipino dahil patuloy na itong nwawala at nakakalimutan ng maraming pilipino.

  3. panalo! madali lang din gawin!

  4. i tried tanaga before sa class.

  5. naalala ko nung high school pinagawa kami ng haiku! damn! meron naman palang unique Filipino style ng ganito!

  6. tama. sana ipinamulat nila sa atin ang istilong ito. nakakalungkot talaga. palagi nalang tayong nalulungkot sa mga bagay-bagay na natutuklasan natin tungkol sa Pinas! hehe

  7. pinagawa kami nung hs ng haiku, damnit! meron naman palang pinoy version nito

  8. paboloso amigo!

  9. hakhak

    alam kui yan nung hayskul pingawa kame nian eh

    hakhak

    elyens

    XXXxx

  10. hahaha.. . . . .

    La Lng!! ! !.. . .. .

    -..piz 0ut!,, ,

  11. shock attack ang funoy(means funnyand true pinoy style) talaga ng diona

  12. …diba yung haiku 5-7-5 or 7-5-7 ba yun ??

  13. wla po bng tgalog na haiku???

  14. magara ah:)

  15. ang tanaga b ay 7777???????

  16. salamat po’t hindi nakakalimutan yong tunay na
    halaga ng pg ka pilipino natin

  17. tNx a LoT NOw I HAvE MY PRoJECT!!

  18. w3w ang galing nmn nila gumawa ng dalit
    ……kakaelib nmn…….
    gawa pa aku ng marami ah>>>

  19. Pinoy Haiku? cool! ;)
    we would also like to invite you here in our poetry blog: http://versenti.wordpress.com
    comments- good or bad, are loved. ;)
    thanks.=p

  20. cheska lopez

    thankss. for the anwers it hepl so much. :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s